1838
Enero
2 nang ipalabas ni Alcalde Mayor Santos mula sa Casa Real de Pagsanjan
ang nasusulat na pagnonombra sa nasabing mga opisyal ng Visita:
-
D.
Luis Bernardo
-Teniente Primero o Absoluto
-
D.
Melencio Alcantara - Teniente Segundo
-
D.
Juan Mariano
- Jues de Policia o Mayor
-
D.
Pedro San Juan - Jues de Sementeras
-
Pedro
de la Torre
-
Pasqual
de la Cruz - Alguaciles
Pinasimulan
din ang pagtatayo ng casa at ng hermita para sa paring coadjutor.
Ito’y dedicado sa Birhen Maria at dependiente pa rin sa Majayjay.
Pinamahalaan ito nina Don Melencio Alcantara at Don Jose Bernardo (anak
ni Don Luis) sapagkat matanda na at masasakitin si Don Luis. Ang
casa ay kaloob ni Don Gregorio San Pablo, taga Lucban na nakatira sa Taisan.
Ang lupa ng hermita, patio at plasa ay kaloob ni Don Juan de San Jose subalit
ang sa kabahayan na tig 20 barang parisukat at pinabayaran sa halagang
11 sikapat at 16 na pang-cuartos.
Nang
taong ito’y namatay ni Don Luis Bernardo, ang kinikilalang “Ama ng Bayang
Luisiana.”
|