1827
Napag-atasan
si Don Melencio Alcantara at iba pa bilang mga apoderados ng Nasunog na
iharap ang petisyon ng paghiwalay doon sa Mataas na Pamahalaan sa Maynila.
Ang petisyo’y di napagtibay dahil sa marubdob na pagtutol ng mga cura parroco
ng Majayjay, Lucban at Cavinti.
1836
Marso 5,
doon sa Casa del Caudillo sa Barrio ng Ylayang Nasunog ay nagtipun-tipon
muli ang mga taga-Nasunog de Majayjay. Nagsilagda unang-una’y ang
mga prinsipales at ex cavezas de barangay sa isang petisyon ukol sa paghiwalay.
Itinalaga bilang apoderados na maghahatid ng petisyon sa Maynila ang mga
Ex Cavezas de Bgy. na sina D. Melencio Alcantara, D. Alexo de la Concepcion
(manugang ni D. Luis) at D. Alverto Diego de S. Juan. Inako naman
ng apat na prinsipales na sina D. Luis Bernardo, D. Feliziano de S. Andres
D. Salvador Bernardo at D. Alexo de la Concepcion na magdukot-bulsa upang
abonuhan at punan ang mga gastos sa pagtatayo ng bayan sukdulang maubos
ang kanilang yaman at ipagpalit na rin pati kanilang Privilegios
y Leyes. |