Pinasimulan
ni Don Luis Bernardo, isa sa mga prinsipales, ang kilusin upang humiwalay
at maging lubos na bayan ang Nasunog de Majayjay mula sa inang-bayan nito:
ang Majayjay. Katulong niya ang kanyang kapatid na si Don Salvador
Bernardo, ang kanilang pinsang si Don Melencio Alcantara at iba pa.
Ang
matibay na dahilan ng paghiwalay ay ang kahirapang dulot sa mga tao rito
sa aspeto ng buhay pang-temporal at pang-espiritual tulad ng sumusunod:
-
Ang distansya
nitong Nasunog kung lalakbaying patungo sa poblacion at simbahan
ng Majayjay ay mga dalawang oras kung tag-init at tatlo hanggang apat kung
tag-ulan.
-
Ang mga miserableng
daan patungo roon ay paliku-liko at aho’t lusong sa mga bulubundukin na
kung tag-ulan ay mahirap nang madaanan.
-
Ang mga ilog
na bumalagtas sa pagitan ng mga gasa o duminding ng lupain nito ay
malimit na malakas ang agos.
-
Walang matibay
na tawiran sa ilog kundi ang nag-usling bato o kaya ay ang manaka-nakang
malabyok na kawayang tulay na tuwina’y nadadala ng baha.
-
Nahihirapang
maglakbay ang mga matatanda, mahihina, kababaihan, kabataang paslit at
mag-aaral lalo’t panahong malakas ang ulan at tagbaha sa mga buwan ng Hunyo
hangang Disyembre. Ang dulot nito’y ang di pagkatanggap ng mga huling
Sakramento ng mga maysakit at namamatay.
Ang malimit
na di pagkakadalo o di pagtatapos sa gawaing “polos y servicios” at sa
iba pang aktibidades na kailangan sa poblacion.
|