MAIKLING KASAYSAYAN NG LUBUSANG KALAYAAN
NG LUISIANA BILANG ISANG BAYAN
(Hinango sa pagsasaliksik ni G. Rodante Estrellado)


1600
Nang mga panahong ito ay may isang malawak at magandang lugar na kilala na sa pangalang Terreno de Nasunog o Lupain ng Nasunog.  Dito sa lupaing ito nagmula ang kasalukuyan Bayan ng Luisiana, Laguna,Kapuloang Pilipinas.

1678

Ang Lupain ng Nasunog ay binahagi sa tatlong parte sa panahon ng Alcalde Mayor ng Laguna (Governador) na si Don Antonio Nieto.  Ang bawat parte ay napabilang sa tatlong bayang nakapaligid dito.  Ang isa ay naging Nasunog de Lucban, ang pangalawa ay naging Nasunog de Cavinti at ang pangatlo ay naging Nasunog de Majayjay na siya namang naging Bayan ng Luisiana.